Alam niyo ba na may kakaiba at artistic na paraan para iligtas ang kalikasan?
Tara, alamin natin yan!
Pina-practice ngayon sa Taiwan ang pangangalaga sa mga puno sa napaka-creative na paraan.
Para magawa ito, imbis na putulin ang young trees, ginagamitan ito ng thread at flexible bamboo sticks upang itali ang stem at roots nito na siyang humuhulma sa mga puno habang lumalago.
Ang resulta nito? Mga naggagandahang furniture na maaaring ibenta.
Pero alam niyo ba na mayroong tinatawag na ‘The chair that grew’?
Likha ito ng banker na si John Krubsack mula sa Embarrass, Wisconsin noong early 20th century
Kinailangan nito ng 32 puno, pinalago sa loob ng 11 years, at hinarvest noong 1914
Dinisplay sa World Fair ang likha ni Krubsack noong 1915 at na-feature pa sa column ng Ripley’s Believe it or not.
Ipinalabas din sa weekly newsreels sa mga sinehan sa buong bansa ang pelikula kung saan ipinaliwanag ni Krubsack ang naging proseso ng paggawa nito
Marami ang nag-offer na bilhin ang upuan ngunit hindi ito pinahintulutan ni Krubsack at iniwan sa kanyang mga pamangkin na dating nagmay-ari ng isang furniture store kung saan ito dinisplay ngunit nagsara na rin ito noong 2007.
Gayunpaman, nanatili sa puder ng pamilya ni Krubsack ang ‘The chair that grew’
Ikaw, anong masasabi mo sa nakabibilib na kwento na ito?