Nasa 60% hanggang 70% na ng mga PUV drivers sa isang terminal sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang tumigil na rin sa pamamasada bunsod ng mataas na presyo ng krudo.
Dahil dito, humaba ang pila ng mga pasahero sa Cabanatuan Central Transport Terminal.
Kabilang sa mga nagtigil-pasada ang mga jeepney at minibus driver na bumibyahe sa lalawigan at iba pang ruta, tulad ng Bataan, Pampanga at Aurora.
Nakipag-pulong naman ang management ng terminal sa mga leader ng iba’t ibang transport group upang resolbahin ang issue.
Umaapela si Nelson Santos, Manager ng North Central Luzon Terminal sa mga transport leader sa Nueva Ecija na huwag itigil ang pamamasada para maserbisyuhan ang mga mananakay.
Sa panig ng LTFRB, tiniyak ni Executive Director Kristina Cassion na handa ang kanilang regional offices sakaling magpatupad ng “transport holiday” ang mga tsuper.