Isinailalim sa isang sorpresang drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga driver ng public utility vehicles (PUV) sa Pasay City.
Ito’y bilang bahagi ng proyektong “oplan harabas” ng PDEA, Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Unang tinungo ng mga otoridad ang bahagi ng Pasay-Rotonda at sumunod naman sa mga terminal ng Mall of Asia.
Samantala mahigit 50 driver ang sumalang sa drug test, kabilang dito ang mga driver ng tricycle, jeep, taxi at UV express vehicles.