Iba-blacklist at babawian ng lisensya.
Ito ayon sa LTFRB ang magiging aksyon nila sa mga driver ng PUV’S o Public Utility Vehicles na magsisilbing drug courier.
Kaugnay nito ipinabatid ng LTFRB na o obligahin nila ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan na sumalang sa drug testing.
Sinabi pa ng LTFRB na makikipag ugnayan din sila sa app based transport services na Grab at Uber sa pamamagitan ng isang technical working group at aatasan ang mga ito na permanenteng ide activate ang accredited peer o driver mula sa kanilang systems.
Una nang hinimok ng PDEA Ang grab at Uber na tutukan ang kanilang mga driver para hindi magamit bilang drug couriers.
SMW: RPE