Posibleng maharap sa suspensyon o kanselasyon ang prangkisa ng PUV o Public Utility Vehicles kapag nahuling lumabag sa campaign rules.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, dapat ding sumunod ang mga PUV sa mga regulasyon ng ahensya pagdating sa advertisements tulad ng pagkuha ng advertising permit at pagbabayad ng advertisement fee.
Sa mga mahuhuling PUVs, kailangang magbayad ng 5,000 piso sa first offense at suspensyon o kanselasyon ng prangkisa kung ilang beses nang lumabag.
Samantala, nilinaw ni Delgra na hindi ma i-impound ang mga sasakyang mahuhuling lumabag sa campaign rules.