Pumalo sa higit 3,000 mga quarantine violators ang naaresto ng Quezon City Task Force Disiplina nitong buwan ng Marso maraang lumabag ang mga ito sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Sa huling operasyon ng task force, naaresto ng mga ito ang 1,743 sa 142 na mga barangay sa QC.
Dinala ang mga ito sa Quezon Memorial Circle kung saan sila pinagsabihan at pinagmulta.
Habang ang mga may sintomas naman ng COVID-19, ay agad na isinailalim sa swab testing.
Sa huli, nanawagan si QC Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng lungsod na patuloy na sumunod sa mga umiiral na health protocols.