Sisimulan na din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pag-aaudit sa mga quarry.
Ayon kay DENR Usec. Leo Jasareno, kritikal ang pag-aaudit sa quarry operators dahil maaari itong makaapekto sa mga proyekto ng gobyerno.
Kung pagbabatayan ang bilang ng mga reklamo, sinabi ni jasAreno na marami – rami din ang maaaring maapektuhang operator.
Bahagi ng pahayag ni DENR Usec. Leo Jasareno
30 mining firms suspended
Samantala, tiniyak ni DENR Usec. Leo Jasareno na kanilang pananagutin ang mga iresponsableng minahan at hindi matatapos sa suspensyon ang kanilang parusa.
Ito ay matapos suspindehin ng DENR ang 30 minahan dahil sa iba’t ibang paglabag, katulad nalang ng pagtagas ng kanilang dumi patungo sa karagatan.
Ipinaliwanag ni Jasareno na ang suspensyon ay para lamang mabigyang daan ang imbestigasyon sa kanilang malpractice.
Bahagi ng pahayag ni DENR Usec. Leo Jasareno
Binigyang diin din ni Jasareno na ang mga minahan ang siyang sasagot sa rehabilitasyon sa kalikasan.
Bahagi ng pahayag ni DENR Usec. Leo Jasareno
By Katrina Valle | Ratsada Balita
PHOTO: DENR