Tear gas at water cannon ang ipinangtapat ng mga otoridad laban sa mga raliyista sa Hong Kong na muling nagsagawa ng demonstrasyon malapit sa local headquarter ng China’s People’s Liberation Army (PLA).
Ayon sa Hong Kong authorities, pinagbabato ng mga anti-democracy protesters ang mga salamin ng PLA office at hinarangan din ng mga ito ang kalsada doon.
Tulad sa ibang bansa, blue water ang ginamit ng mga otoridad doon upang mabilis na makilala ang mga demonstrador.