Sumugod sa tapat ng PNP Headquarters sa Kampo Crame, Quezon City bilang protesta at pagkondena sa war on drugs ng Duterte administration.
Kabilang sa mga nag-protesta ang mga miyembro ng grupong Gabriela, Kilusang Mayo Uno at Kadamay.
Hinamon ng mga nasabing grupo ang pamahalaan na tuldukan na ang giyera kontra droga lalo ang mga pagpatay sa mga hinihinalang drug suspect na karamiha’y mahirap.
Kailangan anila ng mas malawak na programa kontra iligal na droga at hindi lamang dapat nakatuon ang mga awtoridad sa Oplan Tokhang na kadalasa’y nagreresulta sa pagpatay sa mga inosente.
Nagtirik din ng kandila ang mga militanteng grupo bilang panawagan na bigyan ng katarungan ang mga biktima ng kampanya kontra droga kabilang na ang 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
By Drew Nacino
SMW: RPE