Inihayag ng Department of Health (DOH) ang mga rason kung bakit nananatiling mababa ang bilang ng mga nagpapaturok ng booster dose sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa bago nilang survey, nangunguna sa mga dahilan ng mababang booster vaccination ang paniniwala ng mga tao na sapat na sa kanila ang primary series.
Nasundan pa aniya ito ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 noong marso hanggang unang linggo ng hunyo.
Marami rin sa mga sumagot sa survey ang nagsabing hindi naman kailangan sa trabaho ang booster dose at hindi rin aniya kailangan pumunta sa mga public spaces.
Habang ang iba naman aniya ay takot pa rin sa side effects ng bakuna.
Samantala, tiniyak naman ni Vergeire na may mga ginagawa na silang hakbang upang muling mapalakas ang pagbabakuna sa bansa alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos.