Hinamon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino si Vice President Leni Robredo na isiwalat na ang kanyang nalalaman sa war on drugs.
Kasunod ito ng pahayag ni Robredo na maglalabas siya ng ulat sa bayan sa mga susunod na araw ukol sa mga umano’y nadiskubre sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Aquino, posibleng anoman ang ilabas na rebelasyon ni Robredo ay makatutulong sa pagpapabuti ng anti – drug war.
Una nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo matapos lamang ang dalawang linggong panunungkulan bilang co – charperson ng ICAD.