Muling nagkabakbakan ang mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa Aleppo, Syria.
Naganap ito matapos ianunsiyo ng Russia na kaalyado ng Syrian government na napaso na ang tigil-putukan o unilateral ceasefire.
Dahil dito, tatlong araw munang hindi magpapadala ng humanitarian effort ang Moscow sa nabanggit na bansa.
Sa kabila ng pakiusap ng United Nations o UN na hayaan munang mailikas ang mga sibilyan, binigyang diin ng Russia na hindi na ire-renew ang truce o tigil-putukan.
Matatandaang nanawagan ang Syrian Army at Moscow sa mga residente at rebelde sa ilang distrito na umalis na sa lugar pero hindi umano nakinig ang mga ito.
By Drew Nacino
Photo Credit: Reuters