Binigyan ng Russia at Syrian Army ng hanggang Biyernes ang anti-government rebels na lisanin ang Aleppo.
Ayon sa Russian Defense Ministry, ito ay kaugnay pa rin ng gagawin nilang mas pinalakas na opensiba kontra Islamic State.
Tiniyak ng Russian Forces na ligtas na makakaalis ng Aleppo ang Syrian rebels kasama ang kanilang mga armas.
Maliban dito, pinapayagan din ang mga natitira pang sibilyan at mga may sakit na lumikas papalabas ng Aleppo.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters