Malaya ang mga rebelde na magsagawa ng pagtitipon kailanman o saanman nila naisin gawin sa gitna ng umiiral na ceasefire o tigil putukan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NDF.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos kanselahin ng CPP Northeastern Mindanao Regional Command ang kanilang taunang plenum bilang bahagi ng anibersaryo ng NPA noong Disyembre 26.
Ayon kay Lorenzana, hindi pinagbabawalan ang tropa ng dalawang panig na gampanan ang iba pa nilang tungkulin tulad ng law enforcement at pagtulong sa publiko para sa militar.
Tanging ang pinagbabawal lamang aniya’y ang pakikipagbakbakan.
Gayunman, iginiit ni Lorenzana na mahigpit pa ring nakabantay ang militar sakaling kailanganin ang dumepensa sa mga pag-atake.
Una nang sinabi ni Commander Oto, tagapagsalita ng Guerilla front 16 ng Northeastern Mindanao Regional Command ang kanilang plenum dahil sa usaping pang seguridad nang dumating umano ang mga militar.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).