Kinumpirma mismo ng isang dating founding member ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ang kanilang founder na si Jose Maria Sison ang mastermind sa 1971 Plaza Miranda Bombing sa Quiapo, Maynila.
Siyam katao ang nasawi at mahigit 90 ang nasugatan sa pambobomba na naging daan upang magdeklara ng martial law si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa isang dokumentaryo ng sambayanan kasabay ng ika-limampung anibersaryo ng CPP, ibinunyag ni Ruben Guevarra na si Sison mismo ang nag-utos sa miyembrong si Danny Cordero na maghagis ng granada sa Plaza Miranda.
Ito, ayon kay Guevarra, ay bahagi ng serye ng kampanya CPP na oplan big leap forward kung saan nakipag-sabwatan ang rebeldeng grupo sa gobyerno ng noo’y Chinese leader na si Mao Zedong.
Gayunman, hindi na aniya dapat maniwala ang publiko sa ideyolohiya at ipinaglalaban ng NDF-CPP-NPA sa nakalipas na limang dekada.