Nababahala ang samahan ng mga recruitment agency sa lumalalang problema sa laglag bala sa NAIA.
Ayon kay Amanda Araneta, isa sa mga opisyal ng Now or Never Movement, maingat silang magpaalis ngayon ng mga OFW dahil may mga aplikante silang mga skilled worker na biktima na rin ng laglag bala.
Inamin din ni Araneta na may ilang mga OFW silang pinapaalis na sadyang nagdadala ng bala sa paniniwalang pangontra umano ito sa kulam o black magic.
Kaya naman mahigpit nilang binibilinan ang kanilang mga papaalis na aplikante hinggil sa nangyayaring hulihan sa paliparan kaya’t sila na mismo ang naghihigpit sa kanilang binubulatlat ang mga ito para makasiguro na walang dalang bala ang mga ito.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)