Umabot sa 1.1 milyong refugees ang dumating sa Germany noong 2015.
Ayon sa Interior Ministry, ito’y base sa datos ng pamahalaan sa mga rehistradong asylum seekers.
Ang Germany ay itinuturing na main destination ng libu-libong refugees at Immigrants mula pa noong nakaraang taon.
Dahil sa dami ng mga mahihirap na tumatakas sa giyera sa Syria at sa Gitnang Silangan ay inaasahang lolobo pa ang bilang ng mga refugees na makikipagsapalaran sa Europa.
By Jelbert Perdez