Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga registered foreigner sa bansa na magpakita sa kanilang tanggapan para sa annual report.
Ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente, sakop nito ang mga dayuhang mayroong immigrant, non–immigrant, at alien certificate of registration identity card.
Maaring mag report ang naturang mga dayuhan buong Enero at Pebrero.
Babala naman ni morente sa mga dayuhang mabibigong mag report ay maari silang mapatawan ng multa, makansela ang visa o kaya naman ay mapa deport palabas ng bansa.