Posibleng pumalo sa mahigit 500 ang maitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 cases sa mga rehiyong nananatiling mababa ang vaccination rate.
Ito’y kasunod nang naitalang local transmission ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 sa bansa.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante isang Infectious Diseases Specialist, napatunayan na mas nakahahawa ang nasabing subvariant na ito ng Omicron kung kaya’t importante aniya ang bakuna para sa karagdagang proteksyon.
Gayunman, hindi naman nakikita ni Solante na maaapektuhan ang ating healthcare utilization rate sa inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Batay aniya sa pag-aaral, mild lamang ang sintomas na sa mga fully vaccinated at mayroon ng booster dose na indibidwal.