Inaasahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mareresolbahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga reklamo kaugnay sa poll-related incidents bago ang May 9 election.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, dapat na mailabas bago ang halalan ang mga resolusyon sa kaso ng umano’y vote buying at paggamit ng resources ng gobyerno sa pangangampanya para malaman ng publiko.
Dagdag pa niya na ito ay ipinagbabawal sa ilalim ng Omnibus Election Code.
Binigyang-diin naman ni Año ang kahalagahan ng agarang pagrereport na may ebidensya ng mga naturang insidente para sa mabilis na pagresolba ng kaso.