Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila palalampasin ang mga reklamo ng vote buying kahit pa nanalo sa nakaraang eleksyon ang kandidatong nadidiin.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, pagtutuunan nila ng pansin ang mga reklamo ng vote-buying sa oras na matapos na ang canvassing ng mga boto at ang proklamasyon ng mga nanalo.
Nagbanta rin si Garcia, na dapat tandaan ng mga kandidato na sangkot sa issue na vote buying na hahabulin at pananagutin nila ito.
Mababatid na sa umiiral na batas, ang mapapatunayang bumili ng boto ay maaaring mabilanggo ng mula isa hanggang anim na taon at madidiskwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.