Umakyat sa mahigit 9,300 ang mga natatanggap na reklamo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa mga public transport driver, noong isang taon.
Kumpara ito sa tinatayang 8,600 reklamong natanggap ng LTFRB noong 2014.
Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton, base sa datos ng kanilang public assistance at complaint desk, nasa 6,900 mula sa mahigit 9,300 inireklamo ay pawang mga taxi driver.
Nasa 1,800 kaso anya ng pagiging barumbado ng mga taxi driver ang inireklamo habang walundaan siyamnapu’t dalawa ang kaso ng sobrang paniningil.
Ang pagtaas ng bilang ng mga kaso laban sa mga tsuper ng taxi ay bunsod na rin ng pagdami ng gumagamit ng social media gayundin ng mga tumatawag sa LTFRB hotline 1342.
Samantala, muling hinimok ni inton ang mga pasahero na huwag matakot magsumbong sa LTFRB sakaling may matiyempuhan na mga abusadong driver.
By: Drew Nacino