Patuloy na nadaragdagan ang mga reklamo sa Southeast Asian Games, 1 linggo bago ang pormal na pagbubukas nito.
Sa kanilang liham sa Phisgoc, inireklamo ng Singapore ang hirap sa accreditation , transportasyon hanggang sa kakulangan ng halal na pagkain para sa kanilang mga atleta.
Ayon kay Chief de Mission Juliana Seow, sinikap nilang maging mapang unawa at resolbahin na lamang ang mga nakita nilang kakulangan.
Gayunman, hindi na anya dapat magpatuloy ang pagsulpot ng mga problema lalo na sa pagkain dahil nakaka apekto ito sa paghahanda ng kanilang mga atleta.
Matatandaan na una na ring nagreklamo ang national football teams ng Cambodia, Myanmar, Thailand at Timor Leste pagdating pa lamang sa Airport ng Pilipinas dahil sa kawalan ng koordinasyon at hindi kawalang kahandaan ng mga hotel na pinagdalhan sa kanila.