Pinarerepaso ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Eduardo Año ang lahat ng mga ginagawang tradisyon sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Ito ang atas ni Año sa pamunuan ng Philippine Public Safety College (PPSC) at PNPA kasunod ng insidente ng pambubugbog sa bagong graduate ng Maragtas Class ng PNPA nuong isang buwan.
Ipinag-utos din ni Año ang mga ito na maglatag ng mga reporma para matigil na ang mga mararahas na tradisyon tulad ng pambubugbog.
Kasunod nito, inaprubahan na rin ni Año ang naging rekumendasyon ng Board Of Inquiry (BOI) ng PPSC na nag imbestiga sa nagyaring bugbugan na dagdagan ang mga pulis na nagbabantay at gumagabay sa loob ng PNPA.
Sa kasalukuyan, apat na uniformed personnels lang ang nakatokang magbantay sa may 700 mga kadete ng PNPA kaya’t binigyang diin ni Año na dapat tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng akademiya.