Unti-unti nang nagsisidatingan ang ilang mga relief packs para sa mga residenteng apektado ng Bagyong Odette sa Siargao.
Sa pahayag ni Surigao Del Norte 1st District Rep. Francisco Jose Matugas, pinaka-kailangan ng mga residente ay ang pagkain, gamot at medical supplies upang matugunan ang kailangan ng bawat isang pamilya sa lugar.
Bukod pa dito, wala paring kuryente kaya hirap parin ang mga residente sa paghingi ng tulong sa kanilang mga kamag-anak na nasa iba pang probinsya.
Ayon kay PCG Spokesperson Arman Balilo, posibleng matagalan ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente dahil sa kanilang biyahe. —sa panulat ni Angelica Doctolero