Pinaplano ng local government unit (LGU) ng San Jose Del Monte sa Bulacan na pansamantalang ipasara ang mga religious pilgrimage place.
Ang mga naturang religious pilgrimage place ay madalas na binibisita ng mga deboto tuwing Mahal na Araw.
Bahagi pa rin ito ng hakbang para maiwasan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).