Umabot na sa 60 milyon ang reshitradong botante para sa eleksyon sa 2022.
Ayon sa datos ng Commission on Elections (Comelec), pumalo na sa 60,117,780 ang registered voters.
Sa nasabing bilang, 58,231,612 ang existing registered voters; 1,226,412 ang mga bagong botante; at 816,183 ang tutuntong sa 18-anyos sa araw ng halalan at maaari nang bumoto.
Ang bilang ng mga botante ay mula sa 81 probinsya, 146 lungsod, at 1,488 mga munisipalidad.
Tatagal ang pagpaparehistro para sa mga bagong botante hanggang Setyembre 30. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico