Dumagsa muli bago pa sumikat ang araw ang maraming residente para makapila sa Maginhawa Community Pantry sa Quezon City.
Karamihan sa mga pumila ay isang grupo ng mga kababaihan na mayroong bitbit na plastic bag.
Magugunitang tila kabuteng nagsulputan ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa matapos ma-inspire sa ginawa ni Ana Patricia Non na siyang organizer ng Maginhawa Community Pantry.
Pinakahuli ito ang community pantry na itinayo sa Timor Leste at inorganisa ng Pinoy at Timorese communities sa tulong ni Vice Consul Pedro Laranjeira ng Timorese Embassy sa Maynila.