Handa ang ilang residente na nakatira sa mga bayan malapit sa bulkang Taal na sumailalim sa relocation program matapos ang pag aalburoto ng bulkan.
Ayon sa ilang mga Local Government Units (LGUs), handa ang mga ito kung sa malapit sa orihinal na kinatitirhan nila ang kanilang lilipatan.
Anila, pinag-aaralan pa nila ang kanilang gagawing “in municipality” relocation para maprotektahan ang kabuhayan ng mga nakatira sa mga apektadong lugar.
Magugunitang ang buong Taal Volcano Island ay idineklarang permanent danger zone.