Daan-daang residente malapit sa Tullahan River ang lumikas na dahil pangambang pag-apaw ng nasabing ilog kasunod naman nang pagtaas ng water level sa La Mesa Dam.
Nagpalipas ng magdamag sa mga evacuation center ang ilang residente dahil sa takot na abutin ng baha sa kanilang mga bahay.
Gayunman, maraming residente pa rin ang nagmamatigas na manatili sa kanilang bahay.
Dahil dito, patuloy ang abiso ng La Mesa Dam Management hinggil sa pagpapatupad ng preemptive evacuation sa mga residente sa gilid ng Tullahan River kung kinakailangan.
Sakaling umapaw ang La Mesa Dam, apektado ang greater Fairview, Greater Lagro, Sta. Monica, North Fairview, nagkaisang nayon, Novaliches proper, San Bartolome, Gulod at Sta. Lucia sa Quezon City.
Bukod pa ito sa General T. De Leon, Ugong, Marulas, Mapulang Lupa, Karuhatan, Paso de Blas, Parada at Maysan sa Valenzuela City gayundin ang Malabon at Navotas.
Ang water level sa La Mesa Dam ay nasa 76. 67 69 meters at nasa 80.15 meters ang spilling level nito.
By Judith Larino