Halos umabot na sa dalawang libo na mga residente ng Albay ang dinapuan ng sakit na Acute Respiratory Infection o ARI, dahil sa ashfall na ibinubuga ng Mayon Volcano.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mula sa dating 516 ARI victims, pumalo na ito ngayon sa isang libo siyam na raan pitumpo’t dalawa.
Pahayag ng NDRRMC, nangangahulugan ito na anim na put anim na porsyento ng halos tatlong libong residente na binigyan ng medikasyon ng Department of Health ay tinamaan ng sakit na ARI.
Sa nabanggit na bilang, 459 dito ang may lagnat at 272 naman ang mayroong hypertension.
Dagdag ng NDRRMC, karamihan ngayon sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon ang nananatili parin sa mga evacuation centers.