Posibleng abutin pa ng buwan sa mga evacuation centers ang mga residente ng Albay na inilikas dahil sa pag a alburuto ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan na kahit pa kumalma ng ilang araw ang bulkan kailangan pa itong obserbahang mabuti bago matiyak ang ligtas na pagbabalik ng mga residente sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone.
Maghihintay lamang aniya sila ng abiso mula sa PHIVOLCS kaugnay sa sitwasyon ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Marasigan maglalaan ang mga otoridad ng espasyo sa mga eskuwelahan para matuloy pa rin ang klase sakaling abutin ng buwan ang mga evacuee sa mga paaralan.