Unti unti nang bumabangon ang mga residente ng Apayao matapos bayuhin ng bagyong Lawin.
Sinabi ni Vincent Talatag, provincial administrator ng Apayao Provincial Government na tulung tulong ang mga residente para maayos ang kanilang mga bahay.
Ipinabatid ni Talatag na tuluy tuloy ang rehabilitation efforts sa ibat ibang bayan sa lalawigan.
Nabuksan na rin aniya ang lahat ng kalsada sa Apayao na unang naisara dahil sa mga gumuhong lupa at natumbang punongkahoy.
Pumapalo sa halos 10000 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa naturang probinsya.
Samantala umaabot sa 3 Milyong Piso ang halaga ng danyos sa agrikultura sa Apayao kung saan naapektuhan ang high value crops tulad ng lansones, rambutan at iba pa.
By: Judith Larino