Nananalangin ang mga residente ng Batangas na hindi na tumaas at umabot pa sa level 5 ang alerto sa Bulkang Taal.
Ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, kung pagbabatayan aniya ang kasaysayan, tatlong beses nang naranasan ang horizontal o lateral eruption sa Taal Volcano na nangyari noong 1965, 1911 at 1754.
Sinabi ni Leviste, tinatayang aabot sa mahigit 200,000 katao ang posibleng maapektuhan sakaling mas tumindi pa ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Magmumula aniya ito sa 12 mga bayan sa Batangas na nakapaligid sa bulkan kabilang ang Talisay, Agoncillo, San Nicolas at Laurel.
According to experts, matagal-tagal na nga pong hindi nag-e-errupt ang volcano, however, it has always been active –most active volcanoes, not only in the Philippines, but on this part of the world, so, kami ay patuloy na nananalangin, we pray for Taal, we pray for the Philippines that nothing worse than this will happen,” ani Leviste.
Kasabay nito, tiniyak ni Leviste na nakahanda ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa pagbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Hindi lang po ang rescue and evacuation efforts, kun’di pati pa rin po ‘yung pag-augment ng pondo sa iba’t ibang sector katulad ng agrikultura, livelihood, social welfare. Ako’y nakatitiyak, ngayon pa lamang na siguradong handa po ang pamahalaan ng Batangas na tulungan at suportahan ang ating mga kababayan,” ani Leviste. —sa panayam ng Ratsada Balita