Umaasa pa rin ang residenteng persons with disability (PWD)’s sa barangay inarawan sa Antipolo City na maaambunan pa sila ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa mga naiinip nang residente na mayruong kapansanan sa nasabing barangay, magtatapos na ang lockdown sa Mayo 15, kahit anino anila ng mga taga DSWD ay hindi pa rin nila nakikitang napadpad sa kanilang lugar.
Ayon kay Vangie Gabito, ilang linggo na anila silang naghihintay ng kaniyang asawang may kapansanan din subalit wala pa ring dumarating sa kanilang lugar na taga-DSWD at Antipolo City LGU.
Kaya naman nananawagan sila sa pamahalaang panglungsod ng Antipolo na dinggin naman ang kanilang apila dahil maliban sa sila’y mayruon nang kapansanan ay wala na rin silang makain dahil sa hindi makalabas ng bahay dulot ng lockdown.