Problemado ang mga residente ng Calabanga, Camarines Sur matapos mamerwisyon ang mga langaw na pinaniniwalaang nanggagaling mula sa ilang poultry farm sa kanilang lugar.
Ayon sa barangay tanod na si Benjamin Bensalida, ilang buwan nang namemerwisyo ang mga ito kahit hindi pa umano harvesting period ng mga manok sa brgy. Bonot Sta. Rosa, at Manguiring.
Dahil dito, nangangamba ang mga residente dahil sa posibleng sakit na dala ng mga langaw.
Matatandaang nito lamang Agosto, nagkaroon ng joint inspection ang lugar matapos mag-isyu ng memorandum order si Mayor Eugene Severo sa lahat ng departamentong nakakasakop sa mga patakaran sa poultry farms dahil sa pamemeste ng mga langaw.
Sa ngayon, nananawagan sa lokal na pamahalaan ang mga residente na muling tugunan ang problema upang maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng sakit sa kanilang lugar.