Nangangamba ang mga residente ng Capiz sa pagpasok ng bagong sama ng panahon sa PAR o Philippine Area of Responsibility.
Sinabi ng mga residente na hindi pa sila nakaka bawi mula sa pinsala ng bagyong Urduja matapos itong manalasa na nagdulot nang paglubog sa tubig baha ng maraming barangay.
Ayon pa sa mga residente hirap silang tanggaping hindi na magiging maganda ang kanilang Pasko lalo nat bubuhos muli ang malakas na ulan at tiyak na mapupuwerhisyo sila sa pagdating ng bagyong sama ng panahon.
Magugunitang mahigit 100 barangay sa Capiz ang binaha at mahigit 800,000 ang ini evacuate rito.