Inaasahang mabibigyang muli ng ayuda ang mga residente ng Cebu City.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos na muling maisailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang lungsod.
Ayon kay Roque, dahil sa muling pagpapatupad ng mahigpit na restriksyon sa cebu city, imposibleng magkapagtrabahong muli ang mga residente doon.
Sa ilalim kasi ng ECQ, suspendido ang lahat ng klase ng pampublikong transportasyon, sarado ang lahat ng mga non-essential na mga tindahan at negosyo habang mahigpit ding ipinagbabawal ang mga hindi mahahalagang biyahe.
Kagabi, inanusyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagsasailalim sa ECQ ng Cebu City dahil sa mabilis na pagtaas ng naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).