Nagsagawa ng kilos protesta ang mga residente ng Southern Chinese City na Guangzhou matapos magpatupad ng compulsory lockdown sa lugar.
Nagpakalat naman ang mga otoridad ng anti-riot police na nakasagupa ng mga nagpo-protesta.
Kita sa mga larawan at video na nai-post sa social media ang pag-apela ng mga residente upang sila ay mabigyan ng kumpensasyon sa renta at free supplies.
Ang Haizhu District ng Guangzhou ay kilala bilang lugar kung saan naninirahan ang mga migrant workers.
Samantala, kinilala ni Su Mingquing, Deputy Head ng Haizhu District, ang galit ng mga raliyista at inaming maaaring naipahayag ng mas klaro at mas maaga ang mga restriction nang sa gayon ay makaiwas sa nangyaring kaguluhan.
Mula sa mga naitalang pinakabagong outbreak ng COVID-19 sa China, ang Guangzhou ang may pinakamalaking naitatalang bagong kaso na 5,000 kada araw. - sa panulat ni Hannah Oledan