Inireklamo ng mga residente sa Onoway, Alberta ang suplay nila ng tubig na nagkulay pink.
Agad namang humingi ng paumanhin at nagpaliwanag ang lokal na pamahalaan sa naturang insidente.
Ayon kay Mayor Dale Krasnow, ang pagkukulay pink ng tubig ay side effect aniya ng water treatment chemical na potassium permanganate.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na wala itong banta sa kalusugan ng mga mamamayan.
Ang potassium permanganate ay madalas na ginagamit sa treatment process ng tubig upang tanggalin ang mga mineral na iron at manganese.
By Ralph Obina