Nagpadala na ng psychologists ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Batanes.
Ito ay para magsagawa ng debriefing sa mga residenteng na-trauma sa magkasunod na lindol sa Itbayat noong Sabado ng umaga.
Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, CVMC chief, kailangang maisagawa kaagad ang stress debriefing dahil sa matinding pagkatakot ng mga residente.
Samantala, dumating na kahapon sa Basco General Hospital ang Itbayat ang walong (8) orthopedic surgeons bitbit ang medical supplies na ipinadala ng CVMC, sakay ng C130 plane ng Philippine Air Force mula sa Maynila na may karga ring food packs.
PRC magdadagdag pa ng team para sa Itbayat earthquake victims
Magdadagdag pa ng team ang Philippine Red Cross (PRC) para sa psychosocial support ng mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.
Sinabi ni PRC Chairman Senador Richard Gordon, bagamat kumilos na kaagad ang kanilang chapter sa Batanes,marami pang tulong ang kailangan ng mga taga-Itbayat.
Nasa 3,000 aniya ang mga residente ng nasabing bayan na kailangan pa ng tulong.