Ligtas nang nakabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang may 325 na mga residente ng Sitio Cogon sa Brgy. Natubo at Sitio Alangit sa Brgy. San Nicolas na pawang nasa bayan ng Jasaan sa Misamis Oriental.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng Militar at ng New People’s Army sa Brgy. Plaridel sa bayan ng Claveria na ikinasawi ng 3 rebelde.
Sa tulong ng Lokal na Pamahalaan at ng mga opisyal ng Barangay, nakabalik na ng ligtas sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng nagsilikas dahil sa takot na maipit sa bakbakan.
Kasabay nito, namahagi rin ang Militar gayundin ang Jasaan Local Government Unit ng mga foodpacks sa mga nagsibalik na residente.
Pagtitiyak naman ni Lt/Col. Ricky Canatoy, Commanding Officer ng Army’s 58th Infantry Battalion na malayo na sa anumang banta ng mga komunista ang mga nabanggit na lugar at kanila itong mahigpit na babantayan.