Mahigpit ang ginagawang verification ng NBI sa umanoy banta sa Legazpi City sa Albay
Kaugnay ito sa pag kumpirma ni NBI Legazpi agent in charge Rizaldy Jaymalin na nakatanggap sila ng report hinggil sa umanoy planong panggugulo sa lungsod ng suicide bombers mula sa Mindanao
Tiniyak naman ni Jaymalin na ligtas ang mga residente sa Legazpi City dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad partikular sa mga matataong lugar matapos ang naganap na pagsabog sa night market sa Davao City
Kaugnay nito pinayuhan ni Jaymalin ang publiko na maging vigilant at kaagad magsumbong sa mga otoridad ang anumang mapapansing kahina hinalang kilos o bagay
By: Judith Larino