Nagpalipas ng magdamag sa plaza ang ilang resiente ng Mabini, Batangas dahil sa takot ng aftershocks matapos ang magkasunod na lindol na tumama sa nasabing bayan kahapon.
Halos dalawampung pamilya ang nag-kampo sa Plaza Mabini at karamihan sa mga residente ay nagmula sa coastal barangay na nangangamba din sa posibilidad ng tsunami.
Sinabi ni Mabini mayor Noel Bitrix Luistro na dalawang libo ang kanilang evacuees samantalang ang ibang residente ay piniling manatili na lamang sa kani kanilang bahay kaya’t pinadalhan na lamang nila ng pagkain at tubig ang mga ito.
Mayroong naitalang mga insidente nang pagguho ng lupa sa san teodoro habang mahigpit nilang sinusubaybayan ang lima pang barangay na delikado sa landslide.
Ipinabatid ni Luistro na may mga gusali at imprastruktura na bahagyang nasira dahil sa nasabing lindol tulad ng isang resort, Mabini general hospital at Anilao market.
By Judith Estrada-Larino