Mahigpit pa ring pinagbabawalan ng militar ang mga residente sa Marawi City na pumasok sa lungsod bunsod ng patuloy na opensiba laban sa Maute Terror Group
Ito’y makaraang sitahin ng mga sundalo ang ilang mga residenteng nagtatangkang bumalik sa kanilang mga tahanan upang bisitahin ang kanilang mga ari-arian
Ayon kay Zia Alonto Adiong, Spokesman ng Provincial Crisis Management Committee ng Lanao del Sur, lubhang mapanganib pa rin sa loob ng marawi lalo’t maramig I.E.D o Improvised Explosive Device ang nakakalat sa lugar
Batay naman sa ulat ni lt/col. Jo-ar herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Army, marami pa rin sa mga residente ang piniling huwag lisinan ang kanilang mga tahanan ngunit nauubusan na sila ng mga kinakailangang suplay
By: Jaymark Dagala