Aminado ang militar na pahirapan ang sitwasyon ngayon sa Marawi City kasabay ng kanilang opensiba laban sa Maute Terrorist Group
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, nagkalat kasi ang mga sniper mula sa panig ng mga bandido at nagtanim din ang mga ito ng I.E.D o Improvised Explosive Device
Karamihan kasi sa mga bandido ayon kay Arevalo ay nakaposte sa bubungan o sa rooftop ng mga kabahayan kaya’t maingat sila na huwag madamay sa crossfire ang mga sibilyan
Kabilang din sa mga nagpapahirap sa militar ay ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsada papasok at palabas ng Marawi City dahil sa paglikas ng mga residente
By: Jaymark Dagala