Aminado ang Task Force Bangon Marawi na may mga residente na hindi natuwa sa kanilang inilatag na plano kaugnay sa rehabilitasyon ng lungsod.
Gayunman, sinabi ni Sec. Eduardo del Rosario ng Task Force Bangon Marawi na 90 porsyento ng populasyon sa Marawi ay sinusuportahan ang kanilang development plan.
Kasabay nito, nilinaw din ni Del Rosario ng Task Force Bangon Marawi na malayang makapaglabas ng tunay na saloobin ang mga residente sa rehabilitasyon sa lungsod.
Ito’y sa harap na rin ng napalibatang may mga residenteng natatakot magbigay ng kanilang hinaing o saloobin sa isinasagawang rehabilitasyon dahil baka umano mapagbintangan na kakampi ng mga teroristang grupo.
—-