Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na libreng ibibigay sa publiko ang pagsasagawa ng RT-PCR o swab test para sa lahat ng Manileño.
Ito’y kasunod ng inilabas na memoranda ng pamahalaang lungsod epektibo kahapon, Enero 2 na nag-oobliga sa mga mamamayan ng Maynila na nagbakasyon sa labas ng lungsod na sumailalim sa swab test bago makapasok.
Ayon kay Julius Leonen, public information officer ng Manila City government, kailangang magtungo ang mga magbabalik lungsod sa kanilang testing centers upang maisalang sa swab test.
Kabilang dito ang T.Paez Quarantine Facility sa district 1, Patricia Sports Complex Quarantine Facility sa district 2, Arellano Quarantine Facility sa district 3, Dapitan Sports Complex Quarantine Facility sa distric 4, san Andres Sports Complex sa district 5 at Bacood Quarantine Facility sa district 6.
Sa panayam naman ng DWIZ kay Mayor Isko, sinabi nito na may tatlong molecular laboratory ang lungsod na kayang magproseso ng mga nakukuha nilang swab samples
Maraming salamat kay Pangulong Duterte through DOH at DBM nagkaroon tayo ng tatlong makina at sinusuportahan naman tayo; remember ang sabi ng Pangulo dapat ito should be made available and free so, sumusunod tayo in line with the national policy hanggat kaya nating tustusan ibibigay ng lokal na pamahalaan at prayoridad na dapat tustusan ay gagawin natin,” ani Domagoso.