Hinihikayat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lahat ng mga residente ng Metro Manila na simulan na ang pagtitipid sa paggamit ng tubig.
Ito ay bilang paghahanda sa darating na tag-init lalo na’t nananatili pa ring mababa sa normal operating level ang Angat Dam.
Sa pinakahuling datos ng PAGASA hydrology division, nasa 202.8 meters ang lebel ng tubig sa Angat Ddam.
Halos 10 meters na mababa ito sa normal high operating levels na 212 meters at normal operating level na 210 meters.
Sinabi naman ng PAGASA na bagama’t hindi nila inaasahang mauulit ngayong taon ang naranasang krisis sa tubig noong nakaraang taon, kinakailangan pa ring magtipid ng tubig dahil mas kakaunti na ang inaasang ulan sa mga susunod na buwan.