Pinag-iingat na rin ng Parañaque City Agricultural Office ang mga residente sa lungsod at karatig lugar laban sa pagkain ng mga tahong at talaba na hinahango mula sa Parañaque City.
Ito ay matapos nilang matuklasan na naapektuhan na rin ng fish kill ang malaking bahagi ng mga tahungan at talabahan sa Parañaque City.
Ayon kay Parañaque City Agricultural Office officer in charge (OIC) Nilo Germedia, bagama’t para sa kanya nananatiling masarap ang mga tahong mula sa lungsod, makabubuting mag-ingat pa rin sa pagkonsumo ng mga lamang dagat.
Sa kanila namang pagtaya, posibleng umabot sa isa hanggang P1.5-M ang lugi ng mga nag-aalaga ng tahong ata talaba sa lungsod.